Mga sundalo, tutulong sa PNP checkpoints

by Radyo La Verdad | September 9, 2016 (Friday) | 1324

AFP
Nasa isang daan at limampung sundalo ang idineploy ng Armed Forces of the Philippines upang maging katuwang ng mga pulis sa pagbabantay sa checkpoints sa Metro Manila.

Nilinaw naman ni National Capital Region Police Office Chief Supt. Oscar Abayalde na hindi kasama ang mga ito sa magsasagawa ng pagsisiyasat sa mga sasakyan.

Ang tanging gagawin lang aniya ng mga sundalo ay tignan kung maayos na naisasagawa ang checkpoint at walang maabusong kapangyarihan.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,