Mga sundalong nasugatan sa pambobomba ng Abu Sayyaf Group sa Sulu, pinarangalan

by Erika Endraca | November 5, 2020 (Thursday) | 2706

Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines ang mga sundalong biktima ng pambobomba ng asg sa Jolo Sulu kahapon (Nov. 4).

Ginawaran ni WestMinCom commander Lt. Gen. Corleto vinluan, jr.ng wounded personnel medal ang 4 na sundalo na sina private first class Jayson Paguirigan, private first class Vincent Malupa, private first class Dave Egipto at private baser katipon.

Tatanggap din sila ng cash assitance mula kay senator Win Gatchalian. Ang mga ito ang nagtamo ng malulubhang sugat sa Jolo twin bombing noong Agosto 24.

(Zen Tormis | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,