Mga supporter ni Pres. Rodrigo Duterte, tinapatan ang kilos protesta ng anti-Duterte groups

by Radyo La Verdad | July 24, 2017 (Monday) | 6476

duterte supporter rallist
“Ituloy ang pagbabago”, yan ang mensahe ng mga taga suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang rally kanina.

Dalawang programa ang isinagawa ng mga ito sa tapat ng Batasang Pambansa habang halos sakupin naman ng isa pang rally ang isang lane sa tapat ng Sandiganbayan.

Kalapit lang ng mga ito ang isa pang malaking kilos protesta naman ng mga makakaliwang grupo sa Batasan.

Umabot ng limang libong tao ang boluntaryong sumama sa pro-Duterte rally sa pangunguna ng kilusang pagbabago at iba pang grupo ng mga jeepney drivers, Integrated Barangay Communications Group Incorporated, mga representative mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa at ilang celebrities.

Paliwanag ng mga ito, kusang loob at hindi sila binayaran para sumama sa rally.

ang grupo ilan naman sa kanila, iniwan pa daw ang pamamasada para maiparating ang kanilang pasasalamat sa pangulo.

Dahil matagal na nilang gustong maiangat ang antas ng kanilang serbisyo at kita kaya malaki talagang tulong sa kanila ang jeepney modernization program ng administrasyon.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,