Mga suspek sa rent-tangay scam, inilagay na ng DOJ sa lookout bulletin

by Radyo La Verdad | February 21, 2017 (Tuesday) | 2454


Naglabas na rin ng lookout bulletin ang Department of Justice laban sa tatlo pang suspek sa tinaguriang rent-tangay scheme.

Sa inilabas na memorandum ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, inatasan nito ang lahat ng immigration officer na agad ipagbigay-alam sa tanggapan ng kalihim ang anomang pagtatangkang makalabas ng bansa nina Ana Pamplona Borlon, Lea Constantino Rosales at Rafaela Anunciacion.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng DOJ at NBI ang rent-tangay scam.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,