Mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte dumagsa sa Quirino grandstand para sa ‘Salamat PRRD’ concert

by Radyo La Verdad | June 27, 2022 (Monday) | 250

METRO MANILA – Libo-libo ang dumalo sa Thanksgiving Concert na isinagawa ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng kaniyang termino.

Ang ‘Salamat PRRD’ concert ay upang pasalamatan ang pangulo sa anim na taong nitong panunungkulan bilang lider ng Pilipinas.

Naghandog ng awit ang ilan sa mga sikat na artists sa industiya gaya nina Martin Nievera, Freddie Aguilar, Jed Madela, Ice Seguerra, Andrew E., Dulce, at iba pa.

Dinaluhan din ito ng ilang opisyal ng pamahalaan at mambabatas gaya nina Senator Imee Marcos at Senator-elect Robin Padilla.

May ilan naman ang nagpaabot ng pasasalamat sa pangulo sa social media at nasa top trending topics pa ang #SalamatPRRD.

Isang maikling mensahe ng pasasalamat naman ang ibinigay ni Pangulong Duterte para sa kaniyang taga-suporta matapos na siya’y kumanta.

“Maigsi lang, sa sambayanang Pilipino, maraming maraming salamat sa inyo.”ani President Rodrigo Duterte.

Sa darating na Huwebes, June 30, nakatakdang bumaba sa pwesto si Pangulong Duterte.

(Aileen Cerrudo | UNTV News)

Tags: