Mga tambay sa kalye, huhulihin ng PNP alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 5348

Madalas na pagsimulan ng gulo ang mga umpukan sa mga kalye. Isa rin ito sa pinagmumulan ng krimen o paggamit ng iligal na droga.

Kaya naman ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte, alisin ang mga tambay sa kalye.

Ang PNP, agad na tumugon sa nais ng pangulo.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, mahigpit nilang ipatutupad ang mga ordinansa gaya ng paghuli sa mga umiinom at nakahubad ng pang-itaas na damit sa labas ng bahay. Kasama na ang paghuli sa mga tambay sa kalye.

Maging si Quezon City Mayor Herbert Bautista ay sinasabing ordinansa ito ng mga siyudad.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,