Mga trabahong maaaring pasukan ng mga bagong graduate, inilabas ng isang online job portal

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 1976

job

Inilabas na ng online job portal na JobStreet ang iba’t-ibang maaring pasukang trabaho ng mga nakapagtapos ng pag-aaral ngayong buwan ng Marso.

Kabilang dito ay ang mga trabaho sa call center, customer service, information technology o computer hardware and software, telesales, clerical or administrative support, human resources, banking, hotel management, tourism, marketing, at business development.

Ayon kay Yoda Buyco, ang marketing director ng website, mahalaga na mag-ipon ng maraming job experience, maging mahusay sa pakikipagkomunikasyon gamit ang iba’t-ibang lenggwahe, mahusay makisama, at may kaaya-ayang pag-uugali upang mas maging kapakipakinabang ang isang indibidwal.