MILF, nanindigang self-defense ang nangyari sa Mamasapano

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 501

MILF

Nanindigan ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kinailangang lumaban ng mga miyembro nito sa PNP-SAF noong January 25 para dipensahan ang kanilang sarili.

Ipinahayag ni MILF Vice Chair Ghazali Jafaar na kung ang Quran ang pagbabasehan, makatuwiran ang ginawang paglaban ng kanilang mga miyembro kaya wala silang naging kasalanan sa insidente. Dagdag pa nito, handa rin umano silang imbestigahan kung totoong alam ng iba nilang kasapi ang kinaroroonan ni Marwan noong buhay pa ito at kung bakit hindi ito sinabi sa MILF Central Committee.

Kung sakaling mapatunayang ginawa ito, maaari silang masuspinde o mapatawan ng parusa na mapagkakasunduan ng pamunuan ng MILF.

Hiling din ni Jaafar na sana ay hindi na maging handlang sa peace process ang nangyari sa Mamasapano at matuloy na rin ang Bangsamoro Basic Law. (Darlene Basingan/UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0