Minimum wage ng household service workers sa Brunei, itinaas na

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 707
Photo credit: (Malacañan Photo Bureau)

Photo credit: (Malacañan Photo Bureau)

Itinaas ang minimum wage ng household service workers sa Brunei.

Ito ang ibinalita ni Labor Attache Violeta Illescas kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Ginawa nang 520 Brunei dollars o halos P17,000 ang minimum na buwanang sweldo ng mga household service worker at unskilled-lowly skilled worker.

Nangako na rin ang mga employer na susundin ang bagong minimum wage.

Nagbigay din ng letter of guarantee ang mga sponsor at kumpanya bilang garantiya na kapag dumating sa Brunei ang mga Pinoy household service worker ay matatanggap nila ang itinakdang sahod.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , , ,