Minorya sa Kamara, naghain ng resolusyon para imbestigahan ang isyu sa Dengvaxia vaccine

by Radyo La Verdad | December 7, 2017 (Thursday) | 564

Naghain na ng resolusyon sa mababang kapulungan ng Kongreso ang minority group na humihiling na imbestigahan ang isyu sa Dengvaxia vaccine.

Bukod dito, balak ding sampahan ng kaso ng minorya sa Kamara ang mga private at government individual na mapapatunayang sangkot sa anomalya.

Ayon kay Acts OFW Partylist Representative John Bertiz, gagawin ang paghahain ng law suit pagkatapos ng isasagawang imbestigasyon.

Iginiit nito na hindi biro ang naturang isyu dahil nakasalalay dito ang buhay ng mga kabataan na tinurukan ng naturang bakuna.

 

Tags: , ,

Leave a Reply