Miss Universe 2018 Catriona Gray, pauwi na ng Pilipinas

by Jeck Deocampo | December 19, 2018 (Wednesday) | 1360

PASAY CITY, Philippines – Pauwi na ng Pilipinas ngayong araw si Catriona Gray matapos magwagi bilang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand.

Sakay si Gray ng private jet ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kung saan inaasahang lalapag ito sa Hangar ng Platinum Skies Aviation, Inc. sa Pasay City. Doon din ay tatanggap ng mga tanong sa media si Catriona kasama si Ms. Richelle Singson-Michael, isa sa mga naging judge sa nasabing pretishiyosong beauty pageant.

Si Gray ang ikaapat na Pilipino na nag-uwi ng korona sa bansa kasama sina Gloria Diaz, Margie Moran at Pia Wurtzbach.

Tags: ,