Missouri USA lubog parin sa tubig baha; storm system nagbabanta sa hilagang bahagi ng bansa

by Radyo La Verdad | December 30, 2015 (Wednesday) | 3673
Missouri USA(REUTERS)
Missouri USA(REUTERS)

Makalipas ang apat na araw lubog parin sa tubig baha ang malaking bahagi ng Missouri USA.

Inatasan na ang mga national guard na tumulong sa emergency response sa mga pamilyang apektado ng pagbaha.

Dahil sa pagbaha isinara sa mga motorista ang St.Louis at Interstate 44.

Nagtulong tulong narin ang mga residente sa paglalagay ng sandbags upang mapigilan pa ang pagtaas ng tubig baha.

Sa mga nakalipas na linggo mahigit apat na pu na ang naitalang nasawi sa pananalasa ng bagyo at hurricane sa midwest at southwest ng Amerika.

Nagbabanta naman ito ngayon sa hilagang bahagi ng bansa.

Tags: , , , ,