MMDA: 60kph na speed limit sa EDSA, posibleng ipatupad

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 2461

mmda-logo
Posibleng ipatupad ang 60 kilometer per hour speed limit sa EDSA ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Ito ay matapos ipahayag ni Presumptive President Rodrigo Duterte na plano niyang ipatupad ang 60kph speed limit sa naturang highway.

Ayon sa MMDA, hindi ito magiging problema lalo na at nasa 20kph lamang ang average speed sa EDSA lalo na tuwing rush hour.

Mas makabubuti umano na strikto itong ipatupad sa gabi na kung saan wala nang traffic at mabibilis na ang takbo ng mga sasakyan.

Tags: , ,