MMDA, ipatutupad ang paghihigpit sa E-bike, E-trike na dumaan sa national roads sa NCR sa April 17

by Radyo La Verdad | April 16, 2024 (Tuesday) | 6514

METRO MANILA – Hindi pa muna ibinibilang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung ilan ang nasita na mga E-bike at E-trike na dumaraan sa national roads sa Metro Manila.

Kahapon (April 15) ang petsa kung kailan ipatutupad ang ban sa mga nabanggit na e-vehicles sa mga pangunahing kalsada.

Ayon sa ahensya, hindi pa sila mag-iisyu ng violation ticket hanggang ngayong Martes April 16 upang bigyan pa ng panahon ang publiko na malaman ang bagong batas trapiko.

Tags: , , ,