MMDA, kontra sa panawagang pag-aalis ng Edsa Busway

by Radyo La Verdad | September 20, 2023 (Wednesday) | 8208

METRO MANILA – Muling kinontra ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang panukala na tanggalin ang Edsa Bus Carousel.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, malaki na ang pondong nagastos ng pamahalaan para sa Edsa busway, at iginiit na epektibo naman ang sistema para mapabilis ang biyahe ng mga commuter.

Nauna nang nanawawagan ang ilang grupo ng bus operators sa Metro Manila na payagan nang ibalik ang dati nilang ruta, bago pa magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Umaabot na lamang sa halos 500 ang kasalukuyan bilang ng city buses na bumibiyahe sa Edsa mula sa dating mahigit 3,000.

Tags: ,