MMDA, magkakabit ng mga camera para sa aktong mahuhuling traffic violators sa NCR

by Radyo La Verdad | April 4, 2024 (Thursday) | 4704

METRO MANILA – Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang mga camera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para hulihin ang traffic violators partikular na sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, gagamitin ang mga videos sa paglalabas ng Show Cause Order (SCO) sa sinomang lumalabag na mga motorista.

Ang mga nakuhang video ng MMDA ay i-tatransmit sa opisina ng LTO para maging basehan ng SCO para mapatawan ng karampatang parusa ang mga traffic violators.

Tags: ,