MMDA nagsagawa ng Estero Blitz sa Maynila

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1361

mmda-logo
Kaninang alas siete ng umaga sinimulan ang Estero Blitz ng Metropolitan Manila Development Authority sa Maynila.

Laman ng Esyero blitz ang paglilinis ng mga kanal, palengke at Health Education and Environmental Conservation Lectures sa mga residente ng Maynila.

Gamit ang backhoe ng MMDA, tinanggal ang mga basurang nakabara sa North and South Antipolo Canal malapit sa Blumentritt.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, taon-taon na nilang ginagawa ito upang maiwasan ang pagbaha sa lugar pag dating ng tagulan.

Bukod dito ay nilinis din ng mga tauhan ng MMDA ang Blumentritt and Bangbang Market at binaklas ang mga illegal campaign materials na nakapaskil sa mga ipinagbabawal na lugar.

Kaalinsabay nito ay ang lecture na isinagawa ng MMDA sa mga lokal na residente tungkol sa kalusugan at pangangalaga sa kapaligiran.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,