MMDA, nanindigan sa desisyong ipasara ang mga provincial bus stations sa EDSA

by Radyo La Verdad | May 1, 2019 (Wednesday) | 10295

METRO MANILA, Philippines –  Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority sa kanilang hakbang na ipasara ang mga provincial bus terminal sa EDSA. Ito ay bilang reaksyon sa isinampang Temporary Restraining Order ng Ako Bicol Party List sa Supreme Court noong Lunes.

Binigyang diin ng naturang grupo na walang bisa ang MMDA Resolution No. 19-2 dahil wala namang police power ang ahensya na kinakailangan upang maipatupad ito.

Ayon naman kay MMDA Traffic Chief Bong Nebrija, alam nila ang kanilang limitasyon kaya naman humihingi sila ng tulong sa mga local government unit upang sila ang magpasara sa mga ito.

Iginiit din nya na isa ang pagpapasara ng mga bus terminal sa EDSA sa nakikita nilang hakbang upang maibsan ang lumalalang traffic sa Metro Manila.

Tags: , ,