MMDA, sinuspinde ang number coding scheme sa Metro Manila

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 1813

mmda-logo
Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang number coding sa Metro Manila sa December 23 at December 29.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, layon ng suspensyon na mabigyang pagkakaton ang mga motorista na makabiyahe ng maaga patungo sa kanilang mga destinasyon ngayong holiday season.

Suspendido din ang number coding sa December 26 at January 2 na ideneklarang special non-working holiday ng malakanyang gayundin sa December 30 na isang regular holiday.

Tags: ,