Mocha Uson, boluntaryong sumailalim sa drug test

by Radyo La Verdad | October 23, 2018 (Tuesday) | 1432

Boluntayong sumailalim sa drug test si dating PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. Personal itong nagtungo sa PDEA Office kanina.

Hinamon din ni Uson ang lahat ng mga kakandidato sa 2019 mid term elections na boluntaryong magpa-drug test.

Una nang hinikayat ng PDEA ang mga kandidato na sumailalim sa voluntary drug test.

Sa Kamara, nakabinbin pa sa kumite ang House Bill 7621 na naglalayong isailalim sa mandaroty drug test ang lahat ng mga kakandidato maging ang mga appointed officials sa buong bansa.

Tags: , ,