Mocha Uson, inanunsyo na ang pagtakbo sa 2019 elections

by Radyo La Verdad | October 9, 2018 (Tuesday) | 2099

Inihayag ni dating Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson na tatakbo siya sa darating na 2019 midterm elections.

Ngunit hindi pa sinabi ng dating opisyal kung anong posisyon ang kaniyang tatakbuhan sa eleksyon.

Ayon kay Uson, ang kaniyang desisyon ay kasunod ng ginawa niyang pagbibitiw sa pwesto noong nakaraang linggo.

Samantala, muli namang pinabulaanan ni Mocha ang lumabas na balita na tinanggal siya sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang inihayag nito sa programang Get it Straight with Daniel Razon na sinabihan siya noon ng Pangulo at ni SAP Bong Go na “stay put” nang tanungin niya ang mga ito kung magre-resign ba siya bilang opisyal ng PCOO.

 

 

 

 

 

Tags: , ,