Motion for reconsideration ng tatlong pinatawan ng arrest order, pinagbigyan ng Senate Blue Ribbon committee

by dennis | May 20, 2015 (Wednesday) | 884
Sen. Koko Pimentel at Sen. Teofisto Guingona III (photo credit: Meryll Lopez)
Sen. Koko Pimentel at Sen. Teofisto Guingona III (photo credit: Meryll Lopez)

(Update)Inatasan ni Senator Teofisto Guingona III,chairman ng Senate blue ribbon committee ang Senate Sgt-of-arms na huwag munang ipatupad ang detention and arrest order ng tatlong nagsumite ng motion for reconsideration.

Sinabi ni Senator Guingona na pagbibigyan hanggang Lunes sina Danilo Villas, Vissia Marie Aldon at Engr.Line DelaPeña. Kailangan lamang ng mga ito na humarap ng personal sa Blue Ribbon committee at mangako na haharap sa susunod na mga pagdinig na gagawin ng komite.

Matatandaan na ang mga ito ay pinatawan ng detention and arrest order ng Senate Blue ribbon committee kaugnay sa hindi pagsipot sa mga pagdinig kaugnay sa umanoy mga anomalya ni Vice President Jejomar Binay.

Samantala, ayon kay Major Gen. Jose V. Balajadia Jr., Senate Sergeant-at-Arms, bigo pa rin sila na makita ang iba pang pina-aaresto ngunit nangako ito na patuloy silang maghahanap sa mga ito.(Meryll Lopez/UNTV News)