Motorcycle rider at pedestrian na biktima ng aksidente sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | January 2, 2017 (Monday) | 4925

nestor_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang motorcycle accident sa Mc Arthur Highway sa Barangay Tuktukan sa Guiguinto, Bulacan noong Sabado ng madaling araw.

Kwento ng driver ng motorsiklo na si Dennis Dela Pena, binabagtas niya ang kahabaan ng Mc Arthur Highway ng biglang tumawid ang isang pedestrian na kinilalang si Francis Nabong.

Tinangka pa ni Dela Pena na iiwas ang motorsiklo ngunit nahagip pa rin nito si Nabong.

Tuluyan na itong nawalan ng kontrol sa manibela kaya natumba ang motor.

Kapwa nagtamo ang dalawa ng sugat at galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang pinsalang tinamo ng dalawa.

Ngunit pagkatapos ay hindi na nagpadala ang mga ito sa ospital.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,