Motorcycle rider na naaksidente sa Davao City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | August 31, 2018 (Friday) | 2534

Humingi ng tulong sa UNTV News and Rescue ang motorcycle rider na ito matapos sumemplang ang minamanehong motor sa kahabaan ng Villa Abrille Street kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Carmoño Magno, 22 anyos at nakatira sa R. Castillo, Arroyo Davao City.

Ayon sa biktima, papauwi na sana siya galing sa trabaho at binabagtas ang kahabaan ng Villa Abrille ng bigla na lang may sumulpot na sasakyan sa kanang bahagi ng kalsada.

Agad na naghandbreak si Magno ngunit sa bilis ng takbo ng kanyang motor at dahil sa umuulan ay sumemplang ito.

Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue ang tinamong galos sa katawan ni Magno.

Tumanggi namang magpadala sa ospital ang biktima matapos mabigyan ng first aid.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,