Motorcycle rider na naaksidente sa Maynila tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 657

BENEDICT_TMBB
Naabutan pa ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle rider na naaksidente sa Finance Road Corner Taft Avenue Ermita Maynila pasado ala una kaninang madaling araw.

Agad na inassess at nilapatan ng paunang lunang ang sugat sa kanang sintido at pagdurugo ng ilong ng biktima na kinilalang si Ramil Dela Cruz 44 anyos.

Matapos malapatan ng first aid kinuha ang vital signs ni Dela Cruz at saka dinala sa Philippine General Hospital.

Base sa salaysay ni Mang Ramil nawalan siya ng kontrol sa manibela kaya sumampa siya sa gutter at tuluyang natumba ang kanyang motorsiklo.

May suot umano siyang helmet subalit hindi naka lock ang strap kaya natanggal din nang tumilapon siya sa kalsada.

Wala namang ibang nadamay sa aksidente at nasa kostudiya na ng Manila Traffic Bureau ang motorsiklo habang inaalam pa kung may magiging pananagutan sa batas trapiko ang driver ng motorsiklo.(Benedict Galazan/UNTV Correspondent)

Tags: , ,