Motorcycle rider na nabangga ng sasakyan sa Maynila, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 11, 2018 (Tuesday) | 5874

Walang tigil sa pagdaing sa sakit ang lalaki ito matapos mabangga ng sport utility vehicle sa kanto ng Espanya Boulevard at Maceda Street sa Sampaloc, Maynila pasado alas dos ng madaling araw kanina.

Sakay ng motorsiklo ang biktimang si Jayson Mulingbayan, bente nuebe anyos at nakatira sa Quiapo, Maynila.

Sa kuha ng CCTV, makikitang galing si Mulingbayan sa Maceda Street at kumanan sa Espanya habang binabagtas ng SUV ang Espanya Boulevard.

Nagtamo si Mulingbayan ng mga sugat at hiwa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at posibleng bali sa kaliwang paa. Agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat na tinamo ng biktima.

Dinala ito sa University of Santo Tomas Hospital para sa kaukulang atensyong medikal.

Tumanggi namang magpakilala at magbigay ng pahayag ang driver at ang sakay ng bumanggang SUV.

Dinala ang mga nasangkot na sasakyan sa Manila Traffic Bureau sa Port Area, Manila habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,