Motorcycle rider na nabangga ng taxi, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 27, 2018 (Friday) | 3263

Hindi halos maigalaw ni Franz Dela Cerna ang kanyang kaliwang binti dahil sa sakit matapos mahulog mula sa motorsiklong kanyang minamaneho sa Cagayan de Oro City, pasado alas nueve kagabi.

Ayon sa angkas nito, papaliko sila sa Corrales St. nang mahagip sila ng taxi na mabilis umano ang takbo.

Bukod sa pinsalang tinamo sa kanyang binti, nagtamo rin si Dela Cerna ng mga galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nilapatan naman ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong sugat ni Dela Cerna saka dinala sa Northern Mindanao Medical Center.

Ligtas at wala namang tinamong sugat ang angkas ni Dela Cerna.

Desidido naman ang biktima na magsampa ng kaso laban sa driver ng taxi.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply