Mutya ng Davao 2012 na si Mary Carmel Osmeña, dalawang linggo nang nawawala

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 886

MARY-OSMENIA
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang Mutya ng Davao 2012 na si Mary Carmel Osmena na dalawang linggo nang napaulat na nawawala.

Sa natanggap na report ng Davao City Police, huling nakita ang dalaga na sumakay ng taxi paalis ng kanilang bahay sa Ma-A, Davao City noong a-dos ng Abril bandang alas-2:30 ng hapon.

April 9 nang lumapit ang pamilya ni Mary sa pulisya upang humingi ng tulong.

Hinanap na rin nila ito sa mga kaanak at kaibigan ngunit hindi nila ito natagpuan.

(Janice Ingente/UNTV NEWS)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,