Naaksidenteng motorcycle rider sa Biñan, Laguna tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 757

SHERWIN_TMBB
Nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle rider na naaksidente sa national highway sa Barangay Canlalay, Binan Laguna pasado alas-diyes kagabi.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si Lambert Mendoza, 38-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol si Mendoza matapos magulungan ng kanyang motorsiklo ang ilang tipak ng bato sa kalsada.

Matapos bigyan ng first aid ng UNTV Rescue ay dinala na ng rumesponde ring San Pedro Rescue ang biktima sa San Pedro Jose Amante Hospital.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,