Naaksidenteng motorcycle rider sa Naga city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 2, 2015 (Wednesday) | 470

naga-tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidente sa motorsiklo sa bahagi ng Bagumbayan Sur sa Naga city pasado ala-una kaninang madaling araw.

Nadatnan ng grupo ang biktimang si Dave Yu, 37-anyos, na nagtamo ng mga gasgas sa kaliwang binti, braso at likod.

Ayon sa biktima, pauwi na siya sa kanilang bahay sa Barangay Dayangyang mula sa kanyang kaibigan nang bumangga siya sa isang poste ng kuryente.

Tiyempo namang dumaan sa lugar ang rumu-rondang UNTV Rescue Team kaya agad siyang natulungan.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay tumanggi nang magpadala sa ospital ang biktima.(Allan Manansala/UNTV Correspondent)

Tags: , ,