Nadal, tinanghal na kampeon ng Barcelona Open matapos talunin si Nishikori

by Radyo La Verdad | April 26, 2016 (Tuesday) | 1802

rafael-nadal
Ipinamalas ni Rafael Nadal ng Spain ang kanyang husay sa Claycourt matapos na muling tanghaling kampeon ng Barcelona Open.

Tinalo ni Nadal ang defending champion na si Kei Nishikori sa loob ng dalawang sets 6-4 7-5 upang maparehasan ang record title ni Guillermo Vilas sa Claycourt.

Binigyang wakas rin ng dalawampu’t siyam na taong gulang na Spaniard ang dalawang taong magkasunod na paghahari ni Nishikori sa sa Barcelona Open.

Sa ngayong pareho ng may natitipong 49 Claycourt title si Nadal at Vilas.

Tiwala si Nadal na malalampasan niya ang record sa kanyang paglahok sa Madrid at Rome tournament.

Hindi pa nagwawagi ng back-to-back titles si Nadal mula noong 2013.

(UNTV RADIO)

Tags: ,