Nag-iisang Pinoy rescuer ng Thailand cave rescue, ibinahagi ang kaniyang karanasan

by Radyo La Verdad | July 20, 2018 (Friday) | 383

Ika-23 ng Hunyo nang magulantang ang buong mundo sa balita ng pagka-trap ng isang football team sa Tham Luang cave sa Chiang Rai, Thailand.

Ngunit matapos ang labing walong araw ay matagumpay na nailabas ang lahat ng football players kasama ang kanilang coach sa tulong ng mahigit isang libong rescuers. Isa na dito si Christoffer John o “Cedjie” Aquino, ang nag-iisang Pinoy sa rescue mission na ito.

Dalawampung taon nang naninirahan sa Thailand si Cedjie at nagtatrabaho bilang high school english teacher, ngunit bukod sa kaniyang propesyon ay isang rock climbing instructor din siya sa F5 Challenge Center sa Bangkok.

Ang expertise ni Cedjie sa rock climbing ang naging dahilan upang mapasama siya sa search and rescue operation sa football team na na-trap sa loob ng Tham Luang cave.

Ibinahagi niya ang kaniyang task sa rescue mission kung saan ay hindi biro ang kanyang trabaho. Alam na alam niya na ang buhay ang nakataya nang magpasiya siyang mag-volunteer na magrescue sa mga bata na na-trap sa kweba. Ngunit ang panganib na dala ng misyon na ito ay hindi nagpahina ng kaniyang kalooban.

Dagdag pa ni Cedjie, hindi kabayanihan ang kaniyang ginawa sa search and rescue operation sa Tham Luang cave kundi pagganap ng isang dakilang tungkulin.

 

( Kath Dumaraos / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,