Naghain ng COC sa Comelec para sa tatakbong senador, umabot na ng 95

by Radyo La Verdad | October 16, 2018 (Tuesday) | 2501

 

Tuloy pa rin ang Comelec sa pagtanggap ng mga naghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para sa darating na 2019 midterm elections.

Hindi nagpahuli ang ilan sa ating mga kababayan na nagnanais rin na makapaglingkod sa bayan, kahit ang ilan sa kanila ay aminadong walang kakayahan na mangampaya sa buong bansa.

May iba‘t-iba ring silang mga plataporma na nais isulong para sa kapakanan ng mamamayan.

Sa ngayon ay umabot sa 95 na personalidad ang naghain ng kanilang COC.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,