NAIA terminal isasara mula 11am-11pm Ngayong araw dahil sa Bagyong Tisoy

by Erika Endraca | December 3, 2019 (Tuesday) | 816

METRO MANILA – Pansamantalang isasara Ngayong Araw (Dec. 3) ang lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa Bagyong Tisoy.

Base sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) suspendido ang operasyon sa lahat ng NAIA terminals mula 11-am mamaya hanggang 11pm ng gabi.

Pinayuhan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga pasahero na maaapektuhan ng terminal closure na huwag nang pumunta pa sa NAIA at manatili na lamang sa kanilang mga bahay.

Base sa kasalukuyang panuntunan ng otomatikong sinususpinde ang operasyon ng nasabing airport kapag may malalakas na bagyo upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Oras na maibalik na ang operasyon bibigyang prayoridad ang mga scheduled flights habang ang mga recovery flights naman ay ia-accomodate ng first come, first serve basis.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,

Cebu Pacific, hindi pagmumultahin ng Civil Aeronautics Board sa mga flight cancellations

by Radyo La Verdad | May 15, 2019 (Wednesday) | 1437

METRO MANILA, Philippines – Hindi na pagmumultahin ng Civil Aeronautics Board ang Cebu Pacific airlines sa kabila nang mga nangyaring flight cancellations mula April 28 hanggang May 10. Sa halip, inatasan ng CAB ang airline company na magsumite ng “Concrete Plan” kung paano maiwasan na maulit ang insidente.

Kinakailangan itong magawa ng Cebu Pacific sa loob ng tatlumpung araw.

Inatasan din ng CAB ang airline company na resolbahin ang problema sa kanilang mga cabin crew na siyang itinuturong dahilan kung bakit dumami ang nakakanselang flight.

Nauna nang itinanggi ng Cebu Pacific ang nasabing alegasyon.

Tags: , ,

Mahigit sa 80 colorum na taxi sa NAIA terminals, naka-impound sa Nayong Pilipino

by Radyo La Verdad | March 15, 2018 (Thursday) | 1464

Kung dati ay isang kilalang pasyalan ang Nayong Pilipino sa Parañaque City, ngayon ay isa na itong malawak na impounding area ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Manila International Airport Authority, dito na ngayong ini-impound ang mga colorum na taxi na nahuhuling nag-ooperate sa mga terminal ng NAIA. Sa ngayon ay umaabot na sa 86 ang mga colorum na taxi na naka-impound dito.

Karamihan sa mga ito ay nahuling nangongontra ng mga pasahero, expired ang prangkisa, out of line, may batingting sa metro upang mas malaki ang babayaran ng pasahero at may ilang unit rin ang nahuling magkakambal ang plaka.

Ayon kay LTFRB Board Member Attorney Aileen Lizada, bukod sa mga colorum na taxi, abala rin  ang ahensya sa panghuhuli ng iba pang mga colorum na public utility vehicle.

Sa ngayon ay mayroong lamang aniyang 30 enforcers ang LTFRB. Kulang na kulang  ito upang makapag-operate sila sa buong Metro Manila.

Dahil dito, pinaplano ngayon ng ahensya na makipag-partner sa mga unibersidad upang maging bahagi ng aralin ng mga estudyante sa NSTP ang trabaho ng isang enforcer ng LTFRB.

Ayon sa LTFRB, ang bawat mahuhuling colorum na taxi ay papatawan ng 120 thousand pesos na multa at tatlong buwang pagkaka-impound.

Bukod pa rito, isasama na rin sa blacklist ng LTFRB ang pangalan ng operator nito at hindi na maari pang muling magamit ang kanyang sasakyan bilang public utility vehicle.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News