Namamatay dahil sa maruming hangin sa Asia Pacific, umaabot sa mahigit 2 milyon kada taon ayon sa WHO

by Radyo La Verdad | May 11, 2018 (Friday) | 4951

Umaabot sa 7 milyong katao ang namamatay kada taon dahil sa epekto ng masamang hangin ayon sa World Health Organization (WHO).

Sa nasabing bilang, 2.2 milyon dito ay sa Asia Pacific kung saan kabilang ang Pilipinas. Si Mang Victor ay regular na namamasada ng jeep sa Quezon City.

Kamakailan lang ay nagpa-tingin ito sa doktor dahil madali siyang hingalin at hirap huminga.

Ayon sa WHO, pangunahgin sa mga sakit na iniuugnay sa pagkakalanghap ng maruming hangin ay mga sakit baga at puso.

Ayon naman kay Dr. Robert Sy, kapag malala na ang sakit ng isang organ ng katawan, maalaki ang posibilidad na mahawa ang iba pang bahagi nito kaya’t kailangan maagapan.

Mas mainam aniya na umiwas sa mga lugar na mataas ang polusyon sa hangin gaya sa Metro Manila o manatili sa airconditioned room.

Batay sa ulat ng Inter Agency Council on Traffic (I-ACT), mula ng inilusad nila ang “Tanggal Usok, Tanggal Bulok program noong  Enero hanggang nitong ika-2 ng Mayo. Nakahuli na sila ng 568 na bagsak sa kalidad ng hangin na dapat ibinubuga ng isang sasakyan.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, isa ito sa magandang proyekto ng pamahalaan para maibsan ang lumalalang polusyon hindi lamang sa Metro Manila.

Ayon naman sa environmental group na Health Care Without Harm, bukod sa proyektong ito ng pamahalaan, tayo man sa maliit na paraan ay maaring makatulong para iwasang lumalala ang polusyon gaya ng paglalakad o paggamit ng bisikleta kung malapit lamang ang pupuntahan.

Pero mas mabuti aniya kung hindi na gagamit ng coal ang mga planta ng kuryente sa bansa at sa halip ay renewable energy na lamang gaya ng ginagamitan ng sinag ng araw at ng hangin.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

18 cases ng bagong variant ng COVID-19 JN.1, natuklasan ng DOH sa bansa

by Radyo La Verdad | December 25, 2023 (Monday) | 11929

METRO MANILA – Iniulat ng Department of Health (DOH) na natuklasan na sa bansa ang unang 18 kaso ng Omicron Subvariant ng COVID-19 na JN.1

Ayon sa kagawaran, ang naturang mga kaso ay nakarekober na at na-detect sa pamamagitan ng genomic sequencing.

Binigyang diin naman ng ahensya na wala pang malaking pagtaas sa bilang nito at wala pang ebidensiyang nagpapakita na mas mabilis kumalat ang nasabing Omicron Subvariant kung ito man ay nagiging mas mapanganib o nakamamatay.

Natuklasan ng mga eksperto ang 18 kaso sa pamamagitan ng mga sample na kinuha mula November 16 hanggang December 3.

Sinabi ng DOH na itinuring na isang variant of interest ng World Health Organization (WHO) ang JN.1 dahil kailangang itong masusing obserbahan at pag-aralan ng mga mananaliksik sa buong mundo.

Binalaan naman ng kagawaran ang publiko na gumamit o magsuot ng face mask, paigtingin ang proteksyon gaya ng pagbabakuna at pag-iwas sa matataong lugar o may di magandang airflow o bentilasyon lalo na ngayong holiday season.

Tags: , ,

Buwis sa alak at sugar sweetened drinks, dapat nang taasan – WHO

by Radyo La Verdad | December 7, 2023 (Thursday) | 8541

METRO MANILA – Panahon na para taasan ang buwis sa mga nakalalasing at matatamis na inumin.

Ayon sa World Health Organization (WHO), sa ganitong paraan ay mahikayat ang publiko na magkaroon ng mas malusog na pangangatawan.

Inaasahang mababawasan din nito ang mga namamatay dahil sa lifestyle diseases.

Base sa datos ng WHO, nasa 2.6 million individuals ang nasasawi dahil sa pag-inom ng alak habang nasa 8M naman ang namamatay dahil sa unhealthy diet.

Sa ngayon ay kakaunti pa lang ang nagpapatupad ng mataas na buwis sa mga tinatawag na “unhealthy products”.

Tags: , ,

DOH, tuloy sa pagpapatupad ng health protocols kahit alisin ng WHO ang Public Health Emergency of Int’l Concern sa COVID-19

by Radyo La Verdad | January 30, 2023 (Monday) | 23078

METRO MANILA – Wala pang tiyak na deklarasyon ang World Health Organization (WHO) kung tuluyan na bang tatanggalin ang COVID-19 public emergency.

Pero sa nakaraang linggo, inihayag ng WHO ang pagkabahala nito sa tumataas na bilang ng global COVID-19 deaths.

Habang hinihintay pa ang opisyal na anunsyo ng WHO, tiniyak ng Department of Health (DOH) na ipagpapatuloy nito ang umiiral na protocol sa bansa.

At kahit alisin man ang COVID-19 bilang public health emergency, ayon sa kagawaran ay lalo pang paiigtingin ang surveillance at monitoring efforts nito upang maiwasang maibalik ang COVID-19 situation sa bansa sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon sa kagawaran, manageable na ang COVID-19 situation sa bansa. Hindi na rin ganun kataas ang bilang ng mga pasyenteng dinadala sa ospital na mayroong severe infection.

Ganunpaman, paalala ng DOH na huwag pa ring maging kompyansa  at patuloy na mag-ingat upang hindi mahawaan ng virus.

(Gladys Toabi | UNTV News)

Tags: ,

More News