Napipintong laban ng magkapatid na Binay sa pagka-alkalde ng Makati City, pag-uusapan ng pamilya – Junjun Binay

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 3684

Mag-uusap muna ang pamilya Binay upang resolbahin ang posibleng banggaan ng magkapatid na Jun Jun at Abigail sa pagka-alkalde ng Makati City.

Si Abigail ang kasalukuyang mayor ng Makati habang dati namang hinawakan ni Jun Jun ang naturang posisyon.

Ayon naman kay dating Comelec Chairman Sixto Brillantes, walang legal impediments ang gagawing pagtakbo ng batang Binay sa kabila ng kasong kinakaharap nito.

Si Junjun at ang kaniyang ama ay sinampahan ng kaso kaugnay ng umanoy anomalya sa 2.2 billion peso-Makati City Hall Building 2 project.

 

Tags: , ,