Narco list, dapat ilabas bago ang 2019 midterm elections – DILG

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 657

Nais ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na mailabas na bago pa ang 2019 midterm elections ang narco list na naglalaman ng  pangalan ng mga pulitikong sangkot umano sa iligal na droga.

Ayon kay Sec. Año, makatutulong ito upang makapagpasyang mabuti ang mga botante kung sino ang mga dapat na ihalal.

Kampante naman ang opisyal na dumaan sa masusing validation at background check ang mga personalidad na kasama sa listahan.

Hinikayat rin nito ang mga political party na huwag suportahan ang mga kandidatong nasa naturang listahan.

Tags: , ,