Nasa 1,000 pamilya sa Las Piñas, nawalan ng bahay dahil sa sunog

by Radyo La Verdad | March 14, 2018 (Wednesday) | 4082

Higit limang daang bahay ang nasunog sa dalawang magkatabing barangay sa Las Piñas City na nagsimula bandang alas tres kaninang madaling araw.

Ayon sa ilang saksi, nagsimula ang apoy sa isang bahay sa Laong Compound, Barangay Almanza Uno at kumalat ito hanggang sa Sampaguita Compound sa Barangay Pilar Village.

Gawa sa light materials ang mga bahay at wala rin umanong maayos na tubig kaya mabilis na kumalat ang apoy.

Umabot sa ika-limang alarma ang sunog bandang alas singko ng umaga at tuluyang naapula ang apoy dakong alas-nuebe ngayong umaga.

Isang lalaki ang naiulat na nasugatan habang patuloy pang iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang insidente.

Tags: , ,