Gaganapin na ngayong weekend ang highlight event sa selebrasyon ng 2017 Bangus Festival sa Dagupan City.
Ang Bangus Festival ay isang buwang selebrasyon na isinasagawa taon-taon sa Dagupan City.
Pinasimulan ito noong 2002 upang ipagdiwang ang masaganang ani ng aquaculture product na bangus na siyang ipinagmamalaki ng probinsya ng Pangasinan.
Kabilang sa mga pinakaaabangan sa pagdiriwang ang ‘Bangusan Street Party’ na itinuturing na pinakamalaking street party sa Pilipinas.
Gaganapin ito sa April 30, araw ng linggo.
Ayon sa organizing committee ng festival, inasaahang aabot sa isang milyong mga local at foreign tourist ang dadayo sa siyudad upang saksihan ang highlight ng pagdiriwang na nagsimula noon pang March 31.
Ngayon pa lamang, punuan na ang mga major at minor hotels sa Dagupan City.
Inaasahang maging ang mga kalapit bayan ay mapupuno rin ng mga bakasyunista.
(Bradley Robuza)
Tags: 1M turista, Bangus Festival, Dagupan City