Nasa 200 police security ng mga VIP pinabalik sa Camp Vicente Lim para sa retraining

by Radyo La Verdad | July 13, 2017 (Thursday) | 476


Nasa dalawandaang mga pulis sa Calabarzon Region na nagsisibling security ng mga pulitiko at mga personalidad na nakatatanggap ng banta sa kanilang mga buhay ang pinababalik sa Camp Vicente Lim sa Laguna.

Muling isasalim sa pagsasanay ang mga ito matapos matuklasan na kulang pa sa training.
Tatagal ng limang araw ang kanilang pagsasanay na gagawin per batch, bago muling ibalik sa kanilang mga binabantayang personalidad.

Kabilang sa retraining ang tamang paghawak ng baril, paraan ng pagbibigay ng seguridad at iba pang kaugnay nito.

Sa ngayon ay nagsimula na ang retraining sa first batch na binubuo ng 55 mga pulis.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,

Leave a Reply