Nasa 20,000 trabaho sa Calabarzon alok ng DOLE sa May 1

by Radyo La Verdad | April 28, 2017 (Friday) | 5014


Nag-aanyaya ang Department of Labor and Employment Region 4A sa mga job seeker na samantalahin ang kanilang Labor Day jobs fair sa Lunes.

Isasagawa ang malalaking job fair sa Cultural Center Sta. Cruz Laguna, Centro Mall Cabuyao Laguna, Pacific Mall Lucena City, at sa District Mall Imus Cavite.

Ayon sa DOLE sa Region 4A, lahat ng bakanteng trabaho sa job fair ay direct hire hindi na dadaan sa agencies.

Nasa dalawampung libong trabaho ang ini-ooffer dito.

Kabilang sa may nangungunang trabahong maaaring aplayan ay ang production operator, sales executive, driver, customer service representative, cashier at production crew.

Bukod sa alok na trabaho, magbibigay din sila ng libreng consultation sa mga nais magtayo ng sariling negosyon.

Nagpaalala naman ang DOLE sa mga magtutungo sa mga job fairs na magdala ng resume at paghandaan ang mga exams at interview.

(Sherwin Culubong)

Tags: , , , ,