Nasawi dahil sa 2019 nCoV-ARD, umabot na sa 426

by Radyo La Verdad | February 4, 2020 (Tuesday) | 983

Sa pinakahuling tala ng mga otoridad, umabot na sa 426 ang nasawi dahil sa 2019 novel coronavirus sa buong mundo. 425 dito ay sa China habang isa naman sa Pilipinas.

Umabot na rin sa mahigit 2000 ang kumpirmadong kaso ng nCoV sa 23 bansa sa buong mundo, pinakamarami dito ay mula sa China.

Dito naman sa Pilipinas, sa tala ng Department of Health as of 12nn kahapon, umabot na sa 78 ang suspected cases ng nCoV. 67 ang nasa pagamutan, 10 ang nakalabas na ng ospital at 1 ang nasawi. 2 naman ang kumpirmadong kaso kung saan isa ang nasawi.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,