Nasawi sa magnitude 7.3 na lindol sa Iran, umakyat na sa mahigit 340

by Radyo La Verdad | November 14, 2017 (Tuesday) | 1114

Umakyat na sa mahigit tatlongdaan at apat na pu ang bilang ng mga nasawi sa bansang Iran dahil sa 7.3 magnitude na lindol na yumanig sa Iran-Iraq kahapon. Mahigit anim na libo at anim na raan naman ang sugatan sa insidente.

Ayon Iranian government, posibleng tumaas pa ito dahil marami pa ang hinihinalang natabunan ng mga gumuhong gusali partikular na sa probinsya ng Kermanshah.

Nagdeklara na ng three-day mourning period ang pamahalaan dahil sa kalamidad. Nananawagan naman ang Iranian Blood Bank para sa mga maaaring makapagdonate ng dugo para sa mga biktima ng lindol.

Ang Iran ay nasa ibabaw ng isang aktibong faultline na prone sa madalas na pagyanig. Huling naramdaman ang malakas na lindol sa bansa noong December 2003.

Naitala ito sa 6.6 magnitude kung saan mahigit talumput isang libo ang nasawi.

Tags: , ,

Leave a Reply