National costume ng dalawang kandidata sa Ms. Universe 2018, gawa ng isang Pinay designer

by Radyo La Verdad | November 2, 2018 (Friday) | 487

Isang dekada na sa industriya ang nurse-turned fashion designer na si Kirsten Regalado, local at international pageant contestants ang kaniyang dinadamitan.

Hinahanap din ng mga Miss Universe contestants ang kaniyang mga disenyo para sa kanilang evening gown at national costumes.

Katunayan, siya ang gagawa ng national costume ni Miss Iceland, Katrin Lea Elenudottir at ng national costume maging ng evening gown ni Miss Mauritius, Varsha Ragoobarsing.

Proud naman si Miss Mauritius, Varsha Ragoobarsing na mapagserbisyuhan ng world renowned fashion designer na si Kirsten.

Sa ika-7 ng Disyembre sa Poland gaganapin ang Ms. Supranational, habang sa ika-17 ng Disyembre naman sa Thailand ang Ms. Universe.

Bukod sa mga kandidata ng Pilipinas ay tiyak na aabangan din sa entablado ang mga obra ni Kirsten na talaga namang maipagmamalaki na gawang Pinoy.

 

( Mary Ann Tabamo / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,