Nationwide Job Fair, isasagawa ng DOLE ngayong araw

by Erika Endraca | June 12, 2019 (Wednesday) | 2977

MANILA, Philippines – Muling magsasagawa ng trabaho, negosyo at kabuhayan job and business fair ang Department Of Labor And Employment  (DOLE)  kasabay ng paggunita sa Araw ng Kasarinlan ngayong araw (Hunyo 12).

22 lugar sa 16 na rehiyon sa bansa ang pagsasagawaan ng Independence Day Job Fair ng DOLE.

Ang magiging sentro nito ay ang San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.

Ayon sa DOLE, aabot sa 70,000 trabaho sa loob at labas ng bansa ang nakalaan para sa mga aplikante.

Tags: , ,