Nationwide Job Fairs, isasagawa ng DOLE sa Hunyo 12

by Erika Endraca | June 3, 2019 (Monday) | 2175

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng Nationwide Job fairs sa bansa na may temang “Kalayaan 2019 Tapang ng Bayan Malasakit sa Mamamayan”.

Ilulunsad ng DOLE ng 21 job fairs sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa sa 121 anibersaryo ng araw ng kalayaan sa June 12 mula 8:00 ng umaga hanggang  4 PM ng hapon.

Ayon sa DOLE, ang top vacancies para sa local employment ay Production machine operators, Production worker/Factory workers, Customer service representatives, Call center agents, Sewers, Sales clerks, Cashiers, Delivery crews, Service crews and Marketing officers.

Para naman sa Overseas Employment, ang top vacancies ay Cleaners, Professional nurses (General), Waiters/Waitresses, Service crews, Company drivers, Registered midwives, Staff nurses, English language teachers (Japan), Janitress, Barista, Technicians (General) and Nursing aides.

Inabisuhan naman ang mga interesadong aplikante na magdala ng maraming kopya ng resume o curriculum vitae, 2×2 ID Pictures, Certificate of Employment kung may dati ng trabaho, Diploma o Transcript of Records (TOR) at Authenticated Birth Certificate.

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: , ,