NCRPO, hindi na magbaba ng alerto hanggang halalan

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1357

LEA_NCRPO
Hindi na ibababa pa ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang kanilang alerto hanggang sa eleksyon.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao, mananatiling nasa full alert status ang mga pulis sa Metro Manila hanggang sa halalan sa Mayo.

Ito’y upang walang makalusot na masasamang loob lalo na ngayong panahon ng kampanya at eleksyon.

Ayon naman kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, kapag full alert status, kailangang nasa kampo ang mga pulis upang agad na maideploy kung kinakailangan.

Kanselado rin ang day off at leave ng mga pulis.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,