NCRPO, magde-deploy ng 11,000 sa long holiday

by Radyo La Verdad | April 1, 2019 (Monday) | 3363

METRO MANILA, Philippines – Nasa mahigit 11,000 na tauhan ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office sa darating na long holiday.

Ayon kay NCRPO Chief Maj. General Guillermo Eleazar, karamihan sa mga ito ay itatalaga sa transportation terminals lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero.

Mayroon din naman aniyang magbabantay sa residential areas upang tiyakin na walang makakalusot na mga magnanakaw habang wala ang ilang may-ari ng bahay.

Tiniyak rin ni Eleazar na wala silang namo-monitor na major o direct threat sa Metro Manila.

Tags: , ,