NCRPO, magpapakalat ng 3,000 pulis para magbantay sa nalalapit na long holiday

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 2176


Inilatag na National Capital Region Police Office ang ipatutupad na seguridad para sa long holiday ngayong Abril.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, nasa tatlong libong pulis ang ipakakalat nila sa mga matataong lugar.

Bukod pa ito sa walong libong pulis na naka-assign sa idinadaos na ASEAN meetings sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sinabi rin ni Albayalde na mananatili silang naka-full alert status kaya bawal munang mag-file ng leave ang mga pulis.

(Lea Ylagan)

Tags: , , ,