NCRPO, naka full alert na para sa anibersaryo ng EDSA People Power bukas

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 4364

LEA_MOLITAS
Inilagay na sa full alert status ang buong National Capital Region Police Office o NCRPO para sa seguridad ng 30th anniversary ng EDSA People’s Power Revolution bukas.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Chief Inspector Kimberly Molitas, kanselado ang leave at day off ng mga pulis sa Metro Manila at tatagal ang heightened alert hanggang sa ika-26 ng Pebrero.

Dagdag pa ni Molitas na nakahanda na rin ang Security at Public Safety Plan na ipatutupad bukas dahil 10 libo ang inaasahan nilang dadalo.

Tiniyak rin ni Molitas na sapat ang bilang ng mga pulis na idedeploy para sa seguridad, crowd control, emergency response at traffic management katuwang ang iba’t ibang ahesnya ng gobyerno tulad ng AFP, PSG, MMDA, DOH, DPWH at NDRRMC.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,